The Origin of (Pop) Species: Pabebe Girls

http://knowyourmeme.com/photos/594533-attention-whore http://kanikasweet-amazing.blogspot.com/2012/01/this-is-how-asians-pose.html http://tvtropes.org/pmwiki/posts.php?discussion=1397558197032653800 https://www.pinterest.com/dcabansay/filipina/ https://www.youtube.com/watch?v=zxbyllN-_-s
http://knowyourmeme.com/photos/594533-attention-whore
http://kanikasweet-amazing.blogspot.com/2012/01/this-is-how-asians-pose.html
http://tvtropes.org/pmwiki/posts.php?discussion=1397558197032653800
https://www.pinterest.com/dcabansay/filipina/
https://www.youtube.com/watch?v=zxbyllN-_-s

Laganap sa social media ngayon ang ‘di umanong mga nilalang na tinatawag na “Pabebe Girls”. Marami ang nagtatanong kung sino ba sila? Ano ba ang intensyon nila? At bakit ba sila nagtretrending? Base sa mga shares sa social media, itong dalawang bidyo ang maituturing nating primary source ng impormasyon ukol sa mga Pabebe Girls

Case 1.1
 Case 1.2

Himayin natin ang mga bidyo para mas maintindihan natin ang mga nilalang na ito

Ano ba ang pabebe girl?

Ang Pabebe Girl ay isang klase ng nilalang na mahilig mag-upload ng kanilang mga vlogs (video blogs) sa internet. Mahilig silang gumawa ng iba’t ibang mukha para sila ay magmukhang kyut para mapansin ng mga tao. Ayon sa unang na-iulat sa Kapuso Mo Jessica Soho, ang pangngalang “Pabebe” ay galing sa “pa-baby“. Sa ngayon, mukhang walang pinagkaiba ang Pabebe Girl sa tinatawag na “Attention Whore” sa mga kanluraning bansa. Parang Bigfoot at Yeti lang.

SAAN MAKAKAKITA NG PABEBE GIRL?

Batay sa mga bidyo, kadalasan nagtatago ang Pabebe sa kaniyang lungga. Ngunit kung kinakailangan ay lumalabas ito at nagpupunta sa SM. Mahihinuha rin natin na ito ay umiistambay sa Food Court. Mahahalintulad sa lobo rin ang Pabebe Girl dahil lumalabas lang ito na mag-isa. Marahil mas madali siyang makakasamsam ng simpatiya mula sa mga tao kung siya ay nag-iisa sa isang pampublikong lugar.

Paano matutukoy ang isang pabebe girl?

Kung gusto mong makakita ng isang ligaw na Pabebe Girl, tandaan ang mga sumusunod:

  • Pumunta ng SM. Mas mainam kung sa food court ng SM Dasmarinas.
  • Magmasid at maghanap ng nag-iisang dalagita, mga 14 – 16 anyos
  • Kahit siya ay nasa loob ng isang pampublikong lugar, hindi siya nakikihalubilo kahit kanino. Mas gugustuhin niyang kausapin ang kanyang selpon kaysa sa ibang mga nilalang. Alam niyang mas marami siyang taong makakausap sa internet kesa sa mall.
  • Nakalugay ang buhok ng isang Pabebe, may kaunting tintang brown at karaniwang natatakpan nito ng bahagya ang kanyang mukha
  • Mainam na magdala ng Red Ribbon Mamon bilang pain. Hindi ko alam kung tumatanggap ang Pabebe Girl ng ibang brand ng mamon. Pero para sigurado, magdala ng Red Ribbon Mamon.
  • Kung makakita man ng isang Pabebe, siguraduhing dumistansiya ng mga sampung metro. Ito ay safety precaution kung sakaling magsalita ang Pabebe o icover si Nicki Minaj dahil matinis ang boses nito. Ayon sa mga nagtangkang lumapit, nagdilim ang kanilang paningin matapos marinig ang Pabebe.
  • Mag-ingat at mabilis magpapalit-palit ng mood ang isang Pabebe Girl. Puwedeng magsimulang nagpapakyut biglang iiyak biglang kakanta ng Starships.

ANO BA ANG NANGYARI SA MUNDO AT NAGKAROON NG MGA pabebe girl?

Tignan ang Figure 1.1 para makita ang sagot

http://knowyourmeme.com/photos/594533-attention-whore http://kanikasweet-amazing.blogspot.com/2012/01/this-is-how-asians-pose.html http://tvtropes.org/pmwiki/posts.php?discussion=1397558197032653800 https://www.pinterest.com/dcabansay/filipina/ https://www.youtube.com/watch?v=zxbyllN-_-s
http://knowyourmeme.com/photos/594533-attention-whore
http://kanikasweet-amazing.blogspot.com/2012/01/this-is-how-asians-pose.html
http://tvtropes.org/pmwiki/posts.php?discussion=1397558197032653800
https://www.pinterest.com/dcabansay/filipina/
https://www.youtube.com/watch?v=zxbyllN-_-s

Lahat naman ng tao naghahanap ng atensiyon, iba’t iba lang ang pamamaraan. Eh dumating ang internet at smartphones. Dahil sa makabagong teknolohiya, nagkaroon tuloy ng bagong pamamaraan ang mga tao maghanap ng atensiyon, lalo na ang mga kabataan.

Dahil rin sa internet, nakilala ng kabataan rin ang K-Pop. Nagustuhan ng kabataan ang kyut at seksing pormahan ng K-Pop kaya’t pilit rin nilang ginaya. Siyempre sa ating konserbatibo-kuno na lipunan, hindi naman pwedeng lantarang magpa-seksi, lalo na kung teenager ka pa. Kaya minarapat na lang ng mga dalaga na magpakyut na lang. At diyan nanggaling ang konsepto ng mga Pabebe Girl.

Kung susumahin, ang mga Pabebe ay isang natural na reaksiyon sa paghahalu-halo ng Panahon, Henerasyon at Kultura. Hindi natin kailangang mainis o i-bully sila dahil natural lang ito sa mga teenager. Kung makakita ka nang lagpas bente-anyos na nagpapakabebe, doon ka na mainis.

mayroon bang ninuno ang mga pabebe girls?

Oo. Ang ninuno ng mga Pabebe Girl ay walang iba kundi si Donnalyn Bartolome.

Sample 1.1: Meet the Ancient Pabebe Girl

Siguro napapaisip kayo, “hindi ba Kakaibabe si Donnalyn Bartolome?” Isasaad ko ang mga rason sa ibang post kung ano talaga ang isang Kakaibabe pero sinasabi ko na sa inyo, hindi siya Kakaibabe. Isa siyang Pabebe Girl. Bakit?

  1. Matinis ang boses
  2. Nakalugay ang buhok
  3. Mahilig magpakyut
  4. Lumalamon ng pagkain sa harap ng camera
  5. At may cover ni Nicki Minaj

MAYROON BANG MGA PABEBE BOYS?

Sa ngayon, wala pang naitatalang mga totoong Pabebe Boys. Parody videos lang ng mga Pabebe Girls ang makikita sa internet. Machong-macho pa rin kasi ang lipunang Pilipino. Kabawasan ng pagkalalake ang makitang nagpapakyut sa isang bidyo ang isang binata. Hindi ko na lang alam sa mga lalakeng nagpopost ng Twerk It Like Miley videos.

Kailangan bang matakot sa mga pabebe?

Marahil napanood ninyo na ang video ng dalawang nagsamang Pabebe Girl (a flock of Pabebe?) na binabantaan ang mga manonood na walang makakapigil sa kanila.

Case 2.1: Numipis ang kilay ni ate sa inis

Kailangan ba nating mabahala? Hindi naman. Uulitin ko, likas na reaksiyon lang nila ang magpost ng ganito. At totoo naman, wala tayong magagawa. Hindi rin magtatagal, maiisip rin nila kung gaano kainis-inis ang ginagawa nila. Lalo na kapag nagsimula na silang maghanap ng trabaho.

Kung mayroon man kayong dapat katakutan, ito ay ang mga nagaAriel Transformation.

Sample 2.1: Utang na loob, huwag tularan

Sila ang mga nilalang na sasadyain papangitin ang kanilang mukha na parang stunt double ni Betty La Fea, kunwaring iinom ng Ariel at gaganda/gagwapo daw.  Kasuklam-suklam ang kanilang ginagawa dahil (1) mukhang bente anyos na yung mga nasa bidyo, ang gimik nila pang-teenager, (2) alam naman nilang maganda o gwapo sila, alam nila na mas makikita kung gaano sila kaganda/kagwapo kung papangitin nila ang kanila sarili, at (3) nagsasayang sila ng sabong panlaba. Mabuti pa ang Pabebe Girls, inuubos yung mamon nila.

Advertisements
The Origin of (Pop) Species: Pabebe Girls

3 thoughts on “The Origin of (Pop) Species: Pabebe Girls

  1. Hahaha! Oo nga minsan nakakainis yung pagiging pabebe ni Donnalyn. Buti hindi ako nag-iisa. PERO maganda siya ah. Kaya lang hindi akma sa edad niya ang ginagawa niya. Hindi ako hater. Gusto ko yung face niya. Medyo hawig niya ang gf ng pinsan ko.

    Natawa ako at nag agree sa karamihan ng sinulat mo dito. 😀

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s