Pop Philtre Hypothesis: Bakit Dubsmash ang salita ni Yaya Dub?

BAKIT DUBSMASH LANG

Tuluy-tuloy ang paglalayag ng AlDub sa TV at social media. Bilang long-time viewer ng Eat Bulaga at ng KalyeSerye (since episode 6!), natutuwa ako sa tagumpay na tinatamasa ng loveteam at ng KalyeSerye (bigyan ng increase si Wally!). Sinong makakahula na ang isang pag-break ng character ni Yaya Dub on-screen ay aabot ng ganito?

Alam na nating lahat kung sino ang mga magulang ni Yaya DUB. Ngunit, wala pa rin klarong paliwanag kung bakit via Dubsmash lang nakikipag-usap si Yaya DUB. Heto at magtatangka akong ipaliwanag kung bakit hindi nagsasalita si Yaya DUB at sa pamamagitan lang ng Dubsmash siya nakikipag-usap.

Disclaimer: Hindi ko sinasabi na tama ang pagpapaliwanag ko. Ito ay hinuha ko lang mula sa mga obserbasyon ko sa panonood ng KalyeSerye. At isa pa, ang pinag-uusapan ko dito ay ang karakter ni Yaya DUB at hindi si Maine Mendoza. Napanood ko naman ang interview niya sa Kapuso Mo Jessica Soho at alam kong nagsasalita siya. AT NO, HINDI NIYA KABOSES SI MARIAN RIVERA.  

So Bakit Dubsmash lang ang salita ni Yaya DUB?

Ang aking hypothesis: Lumaking pipi si Yaya DUB o mute sa salitang inggles. Paano ko nasabi na pipi siya? Matagal ko nang hinala ito dahil kahit pagtawa, pag-iyak at pagbahing wala kang maririnig na tinig mula sa kaniya. Medyo nakumpirma lang ang hinala ko ng nabanggit ni Lola Nidora sa episode 38 na kinakailangang ni Yaya DUB ng voice lessons para sa nalalapit niyang performance sa Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More. Panoorin ito:

Sinabi ni Lola Nidora na THERAPY na rin ang pagvovoice lessons ni Yaya DUB. Hindi naman magpapatherapy ang isang tao kung wala naman itong injury o problemang nararamdaman. Kung kinakailangang ni Yaya DUB magpatherapy sa boses, ibig sabihin may injury o problema siya sa boses. Pero ano naman kaya ang posibleng nagdulot ng pagkapipi ni Yaya?

mga posibleng rason kung bakit NAPIPI si yaya dub

  • TRAUMA: Ang pagkapipi ay pwedeng maging resulta ng pisikal o sikolohikal na trauma ng isang tao. Ayon sa alam natin tungkol sa backstory ni Yaya, siya ay lumaki sa piling ni Lola Nidora ng siya ay iiwan ng kanyang mga magulang. Isa pang alam natin ay sadyang strikta si Lola Nidora kay Yaya DUB. Kita naman ito sa kaniyang pagtutol sa mabilisang pag-iibigan ni Yaya at ni Alden. Hindi natin alam kung bakit sobra ang pagkastrikta ni Lola Nidora. Siguro dahil may parte pa rin niya ang naiinis o nagagalit  dahil siya ang inexpect ng kaniyang mga kapatid na magpalaki kay Yaya? Dahil hindi naman siya ang gumawa ng sala pero siya ang nagbabayad? Hindi tayo sigurado sa motivation ni lola pero dalawang bagay ito na pwedeng maging ugat ng psychological trauma ni Yaya. Pwedeng inalila ni Lola Nidora si Yaya noong kaniyang kabataan. Isa pang pruweba? Imbis na tratuhin na pamangkin ay itinuturing niya itong Yaya. Anak ng kapatid mo tapos tatawagin mo lang na yaya??? Hindi man lang nga ang politically correct term na kasambahay. Eh kung ganoon naman ang trato sa kaniya, hindi naman na ako magtataka kung nagtamo ng psychological trauma si Yaya at hindi na nakapagsalita.
  • SOCIAL SITUATIONSTandaan na bago sumama si Yaya DUB sa mga guesting ni Lola Nidora sa Problem Solving noon, siya ay nakakulong lang sa mansyon ng mga Zobeyala. Alalahanin rin na kamakailan lang na kinidnap si Yaya DUB. Sobrang nag-alala si Lola Nidora dahil hindi sanay ang dalaga sa labas ng bahay, lalo na sa mga lugar na marurumi at hindi pamilyar sa kanya. Kaya nga kamot ng kamot si Yaya DUB ng kanyang balat dahil sa selan niya sa kapaligiran. Dahil hindi siya sanay lumabas, sa palagay ko, hirap siyang makihalubilo sa ibang mga tao dahil hindi siya sanay makisama sa ibang mga tao.
    • Kasi kung iisipin, sinu-sino lang ba ang makakahalubilo niya sa mansyon?
      • Si Lola Nidora na snubera at mapagpintas. Kaya nga bago nabuo ang AlDub, kilala si Yaya bilang masungit na snubera rin. Like lola, like yaya.
      • Ang mga Rogelio. Eh problema rin sa mga Rogelio eh wala rin silang kibo at hindi nagsasalita! Kung si Lola Nidora at mga Rogelio lang ang mga ehemplo mo, ano pang mangyayari kaya sa iyo?
    • May tinatawag na uri ng muteness na SELECTIVE MUTISM. Ito ang uri ng pagkapipi sa mga taong kayang magsalita, ngunit may mga pagkakataon o sitwasyon na hindi makapagsalita. Tatameme sila kumbaga. Parang yung mga politiko, maingay pag malapit na ang eleksiyon, tameme naman kapag usapang korupsyon. Sabi nga sa link sa itaas, kadalasang konektado ang selective mutism sa mga mahiyain o may social anxiety. Ngayon, dahil hindi nga sanay si Yaya makihalubilo sa mga tao, pwedeng nagkaroon siya ng selective mutism dahil hindi siya sanay sa mga tao.
  • HEREDITARYTandaan na sa episode 41, may mga taong nagpresenta bilang ang nawawalang nanay ni Yaya DUB na si Isadora. Isa sa mga taong nagsasabing siya si Isadora ay nakikipag-usap gamit ang pagdudubsmash. Maraming nagsasabi na siya ang tunay na Isadora dahil sa kanyang pagdudubsmash (at dahil si Maine rin ang gumanap sa kanya). Ngunit sabi ni Nidora ay isang impostora lang rin ito at pinalayas si Mommy Dub. Maliban sa trauma at social anxiety, isang pwedeng panggalingan ng muteness ay genetics. Sa maikling salita, namana ni Yaya DUB ang pagiging pipi sa kaniyang ina. Ulit, posible ito kung yung babaeng nagpresenta ay siya ngang nanay ni Yaya DUB.

EH BAKIT NGA DUBSMASH NG DUBSMASH SI YAYA? Bakit hindi na lang siya gumamit ng sign language? 

Panoorin ninyo ng saglit ang trailer para sa isang documentary:

Magkapareho ng sitwasyon si Yaya DUB at ang mga Angulo brothers (panoorin mo kasi yung trailer). Pareho silang nakakulong sa bahay at halos walang karanasan makihalubilo sa outside world. Makikita sa trailer na tanging sa mga pelikula lang nakikita ng mga magkakapatid ang outside world. At dahil doon, ang mundo, para sa kanila, ay base lamang sa mga pinapakita ng mga pelikula.

Naiisip ko na pwedeng ganoon rin ang karanasan ni Yaya DUB. Dahil walang makausap, idinaan na lang sa panonood ng mga pelikula, tv shows at youtube videos o makinig sa mga kanta ang libangan. Itong mga pelikula, kanta, tv shows, youtube videos ang siya ring humulma kay Yaya DUB (kaya naniniwala rin siya sa forever!). Ito na rin siguro ang naisip ni Yaya DUB na mabisang paraan para malagpasan ang kaniyang pagiging pipi. Hindi naman lahat ng tao nakakaintindi ng sign language. Mas madaling magkakaintindihan kung mga linya mula sa pop culture ang gagamitin. Mas marami pa makakaintindi

pipi si yaya? how dare you SAY PIPI ANG KWEEN ko?

Easy lang amigo! Hindi ko inaaway si Yaya! Parte rin ako ng AlDub Nation! Hindi ka ba nacurious ever kung bakit sa pamamagitan lang ng dubsmash nakikipag-usap si Yaya? Itong mga nilahad ko ay mga analysis mula sa mga obserbasyon ko sa KalyeSerye. Pwedeng tama, mas lalong pwedeng mali! Open ako kung may ibang logical explanation ka kung bakit ganito ang character ni Yaya DUB. Hindi si Maine ah, si Yaya DUB.

Imbis na magalit ka, sa totoo lang dapat maging masaya ka! Hindi ba mas nakakaproud na ang isang character na speech impaired ang kinababaliwan at kinasisiyahan nating lahat? Imbis na maliitin ay ipinagdidiwang pa natin? Kilala na ang GMA sa pagtalakay ng iba’t ibang mga sektor sa kanilang mga teleserye. Ang My Husband’s Lover at The Rich Man’s Daughter ay tumalakay ng homosexuality. Ang Destiny Rose naman ay tumatalakay sa ngayon ng transexuality. Pupwedeng Persons With Disabilities naman ang AlDub?

Imbis isiping ito ay nakakabawas, nakakadagdag pa nga ito sa kagalingan ng kalyeserye. Maliban sa advance storytelling techniques (kagaya ng split screen at pagbreak ng fourth wall), at paggamit ng improvisational comedy, ay may progressive outlook na rin ang kalyeserye? Hindi ba mas masaya na binibigyang pansin ang isang kadalasang nalilimutang sektor ng ating lipunan?

Anyway, lahat naman ito ay mga hinuha ko lang. Kung mayroon kayong hypothesis rin, wag kalimutan magcomment! #AlDUB

Advertisements
Pop Philtre Hypothesis: Bakit Dubsmash ang salita ni Yaya Dub?

13 thoughts on “Pop Philtre Hypothesis: Bakit Dubsmash ang salita ni Yaya Dub?

    1. Salamat sa pagcomment sa post na ito. Sana ay nabasa at naunawaan mo ang aming tanong at ang aming mga hinuha.

      Ulitin lang namin na ang pinag-uusapan dito ay ang karakter na Yaya DUB at hindi si Maine Mendoza. Kung role at role lang rin ang ating pag-uusapan, ang role po ni “Yaya Dub” sa ISTORYA NG KALYESERYE ay maging Yaya ni Lola Nidora. Personality quirk ng karakter ni Yaya Dub ang hindi makapagsalita at sa dubsmash niya dinadaan ang pagcocommunicate.

      At ayun po ang gusto naming maipaliwanag. Base sa background story na kinukwento nila Lola Nidora, paano humantong na sa pagdudubsmash lang siya nakakapagsalita?

      Like

  1. Larry says:

    Actually, ang galing ng character analysis mo. May substance kung baga, lahat ng episodes connected and yung story magkakaroon ng point. If they dig well story-wise and character-wise especially kay Yaya Dub, Hahanga ako lalo! Kasi kahaba-haba na ng story parang yung diary nakakalimutan na (set aside kilig which is patok naman). If and when nagkakaroon na ng connections lahat, tapos yung real emotions between sa Aldub, that would be the tamang panahon!

    Liked by 1 person

  2. Niknok says:

    potch! ang taba ng utak sa analysis! panalo! and with what happened kanina (nagsalita na si Yaya, for the first time!!), possible na selective mutism nga ang issue. and since natututo na s’yang makihalubilo sa mga tao (kay Lola Tidora at Tinidora, at pati kay Alden) eh unti-unti na itong gumagaling! ayus!!

    Liked by 1 person

  3. Arlene Sabater says:

    Maganda yung analysis mo. Kakatuwa ang lalim. Matatalino ang writers. Maganda kasi talagang ginawan nila ng istorya at mukhang may pupuntahan talaga. Kudos to them. And to you too. Hehe.

    Liked by 1 person

  4. Colossus says:

    Agree. I get your analysis po. Pwde din na dahil sa aksidente na nangyari ay naging contrast tuloy ang attitude niya. Pupwedeng dah sa aksidente ito ang magiging dahilan para makapagsalita na si Yaya Dub. Ang trauma niya ay nagamot nang isa pang trauma. Parang amnesia. Nagka.amnesia ang tao dahil nabagok. At ang gamot ay ang pagkabagok ulit (according sa mga nakikita kong drama).

    Liked by 1 person

  5. Sa aking palagay ay tama ang yung analysis.. selective mutism.. dahil pinalaki siya ni Lola Nidora na isang masungit na lola at strikta, at ginawa siya nitong yaya. Imbes na pamangkin dahil anak siya ng kapatid nila.. Pero siguro may natatagong galit siya sa ina at ama nito kaya kay yaya db niya ito nabunton. Pero kalaunan kahit sa pagkastrikta niya ay mahal nya ito. Sadyang Bitter lang sa buhay si Lola Nidora dahil malaki ang inggit niya sa mga kapatid niyang si Lola Tidora at Tinidora pati kay Isadora na Mommy ni Yaya Dub. Naging trauma kay yaya dub yung pagakakakulong nya sa sarili niyang mundo kaya naadopt niya ang pagiging masungit ni Lola Nidora. Pero dahil mahiwaga ang pag-ibig ay nalunasan ang kanyang pagiging masungit. Pero sabi nga ” O Pag-ibig na makapangyarihan pag nasok ng puso ninuman masunod ka lamang. Kaya kahit mahal niya si Lola Nidora ay sinusuway niya ito at yung puso niya yung sinusunod niya ngayon. Pero still mahal niya si Lola Nidora at minsan naalala niya ang mga mabubuting tinuro nito sa kanya.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s