Origin of (Pop) Species: The Hokage (and Galawang Hokage)

The Hokage Cover
Source: naruto.wikia.com

Nagkalat ang mga videos at mga pages sa social media ng mga taong nagsasabing sila daw ay mga Hokage. Pero sila ba ay talagang matatawag na Hokage?

ANO BA ANG HOKAGE?

Ang isang “Hokage” ay isang taong, karaniwa’y lalake, swabe mang-angkit ng chix. Gumagamit ng mga pasimpleng galawan para pakiligin ang babae.

Ang salitang hokage ay maaaring nanggaling sa anime na Naruto. Sa anime, binibigay ang titulong ito sa pinunong ninja ng bayan nang Konohagakure. Sila ay karaniwang isa sa mga pinakamalakas na ninja sa bayan. Kung gayon, maituturing ang isang Hokage ang pinakamagaling, pinakarespeto, pinakaswabeng gumalaw pagdating sa chix.

(Side note: maaaring nanggaling rin ito sa anime na Flame of Recca kung saan Hokage rin ang tawag sa mga nagiging pinuno sa angkan ng bidang si Recca.)

 

MAITUTURING BANG HOKAGE ANG MGA TAONG NASA VIDEO?

Kung babalikan natin ang source material, ang ninja ay dapat hindi nahahalata, nagtatago lang dapat siya sa mga anino. Gagalaw lang kung kailan hindi ito mapapansin ng kanyang target. Malinis gumalaw ang ninja, hindi ito nag-iiwan ng mga bakas.

Kaya’t hindi natin masasabi na mga hokage ang mga tao sa mga viral video. Kung Hokage talaga sila, wala dapat tayong makikitang mga bidyo! Ang tunay na Hokage hindi nagpapakita ng kanyang technique sa maraming tao. Wala dapat na ebidensya!

Kung gagamitin natin ang Dragonball bilang halimbawa, isipin ninyo na lang na ang mga taong nagsasabing Hokage sila sa mga bidyo ay si Mr. Pogi. Nagpapanggap lang na pinakamalakas na mandirigima ng Earth. Pero alam naman nating lahat na sila Goku ang totoong pinakamalalakas, at hindi nila pinapaalam ito. Si Goku ang totoo Hokage. Nakakapagpasabog ng planeta man sa lakas, wala namang pruweba sila ang gumawa. Malinis pa rin.

At pangalawang punto, gumagalaw lang ang Hokage para suyuin at pakiligin ang babae. Iniisip niya muna kung magugustuhan ba ng babae ang kanyang galaw bago niya ito gawin. Hindi siya gumagalaw para maging viral lang, ginagawa niya ito para sa ikasasaya ng babae.

MAYROON BA TALAGANG MAITATAWAG NA HOKAGE?

Isa sigurong ituturo ng mga tao bilang tunay na Hokage ay ito…

Vic Sotto Hokage
Image source: gmanews.tv

Si Vic Sotto ay maituturing na Hokage dahil hindi simple lang ang pumorma pero matinik sa chix. Dagdag pa rito, siya rin ang nagpasikat ng ninjutsu technique na pilit ginagaya ng mga tao:

Ulit, dahil huling-huli ang kaniyang technique sa bidyo, hindi maituturing na Hokage si Vic Sotto. Pangalawa, may ibang mga pagkakataon na ginagamit niya ang kaniyang ninjutsu technique sa ibang mga babae nang walang consent. Contestant man o artista, basta maganda maaaring gamitan niya ng kanyang ninjutsu.

Kung talagang naghahanap kayo ng pinakamalapit sa tunay na Hokage, ito dapat ang hanapin ninyo:

Dolphy ang tunay na hokage.jpeg
Surprise! (Image source: balikbayanmag.com)

Wala akong makitang pruweba ng mga technique ni Dolphy sa aking pagsasaliksik kaya’t pwede kong sabihing malinis siyang gumalaw. Kaya’t maituturing kong si Dolphy talaga ang pinakamalapit sa tunay na Hokage.

(link niyo naman sa akin kung may nakahuli na kay Dolphy)

 

HARASSMENT BA ANG GALAWANG HOKAGE?

Noong Pebrero ng taong ito, naglabas ang tech website na Yugatech ng isang artikulo tungkol dito. Sumasang-ayon ako sa karamihan ng sinasabi ng artikulo. Totoo namang pwedeng maging nakakaaliw ang Galawang Hokage bidyos. Ngunit may mga taong sadyang ginagamit lang ito para maging viral, kahit walang consent sa mga babaeng dinadamay nila sa bidyo. Kaya pwede talagang maituring na harassment ang Galawang Hokage.

Pero para malinaw rin para sa mga tao diyan na nagbabalak gumawa ng viral video, sundan na lang ang flowchart na ito para siguradong “good, clean fun” ang iyong balak na bidyo:

Responsible Hokage Flowchart
Figure: 4.1

 

TANDAAN:

  1. ANG LAYUNIN NG HOKAGE AY MAGPAKILIG
  2. TUNGKOL KAY GIRLIE ANG GALAWANG HOKAGE HINDI PARA SA EGO MO
  3. HINDI ITO GINAGAWA PARA LANG MAKA-TSANSING AT MASAMPAHAN NG UNJUST VEXATION.
Advertisements
Origin of (Pop) Species: The Hokage (and Galawang Hokage)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s