Thoughts On…This Time

IMPLICATIONS OF NETFLIX PH
Source: Viva Ent (youtube)

Coming from a successful teleserye and world tour, James Reid and Nadine Lustre are back with their fourth feature film. This Time’s about two childhood friends, Ava and Coby who only see each other every summer. Eventually, as years went on, their relationship blossomed- but not without obstacles and roadblocks.

Maybe I’ve been spoiled by the writing and direction of OTWOL so much because This Time felt flat and unpolished. The flow of the movie was uneven with flashbacks and asides dispersed throughout its two-hour run that messed up the main plot. Much so that I couldn’t identify the film’s rising action, climax, falling action, etc. I can’t say anything wrong with James, Nadine and everyone else in the cast because they did all they could with the source material that was given. Sadly, it wasn’t enough to make a satisfying movie experience.

Shout outs, Call outs and Watch outs:

  • Call out that loooooooooong flashback. It was basically half of the film. If you were going to use a flashback as a plot device, at least have the decency to tell your audience when the flashback ends. It was hard to tell how far in the future the first ten minutes was.
    • Although shout out to the foreign pop culture references in each year. You don’t often hear Jennifer Aniston and Brad Pitt’s breakup or the H1N1 scare in a Filipino movie. It could have been better if they also included local pop culture references. Like have Ava ask Coby to watch Diary Ng Panget (plus points for meta-humor)
  • Again shout out to the casting. Al Tantay’s always a lock to be the dad. And I was pleasantly surprised to see Candy Pangilinan in a nanay role. So much spunk and energy than the usual talents typecasted as the protagonist’s mother.
    • Shout out to Ronnie Lazaro who played Ate Bi, the gay owner of the cornerstore near Ava’s place. I know Ronnie Lazaro for his taong grasa roles and I haven’t seen him in such a role as this.
    • Shout out to Donnalyn Bartolome embodying the spunky bestfriend role. When will they give her a leading role?
  • Shout out to the musical director of the film. Who wouldn’t dance to Donna Cruz’s rendition of Langit Na Naman?
  • Watch out for that Skype call scene between Ava and Coby. Nadine is still the worst person to talk to on Skype
  • Biggest call out: using The Beard trope as the final issue to test their relationship. Seriously, it’s one of the easiest issues to clear up. The gay guy (in this case Bret Jackson’s character) just has to properly explain the situation. But based on the film’s logic, being a beard is a far worse issue than balancing priorities with love
  • Calling out also the decision to suddenly include Japan in the story. Of all places why Japan? It wasn’t clear why Ophelia (Nova Villa) went to Japan.
    • Also, why did they introduce the Ambassador Summer Lolo and Ophelia love story in the middle of the film all? And as if the Lolo and Ophelia had almost the same weight as the Coby and Ava story. Their happily ever after was tied closely to Lolo and Ophelia’s happily ever after.
  • Call out sa Cornetto. Yes we know na major sponsor kayo ng film

 

This Time is now showing in cinemas nationwide in the Philippines

Advertisements
Thoughts On…This Time

The Origin of (Pop) Species: The Kakaibabe

Marahil nakita ninyo na ang salitang “Kakaibabe” sa social media. Maraming kababaihan ang nagsasabi na “Kakaibabe” sila. Pero sa totoo lang, ano ba talaga ang Kakaibabe?

Unang dumapo sa ating kamalayan ang salitang ito ng lumabas ang kantang “Kakaibabe” noong 2014.

Case 1.1 Ang kantang nagsimula ng lahat

Sinulat ito ng ninuno ng mga Pabebe Girl na si Donnalyn Bartolome at ni Thyro Alfaro, at kinanta rin ni binibining Bartolome. Naging hit ang kanta at sa ngayon ito  aymay 11.5 million views– ang pinakamaraming views sa channel ng Viva Music Group.

Makakatulong ang kanta sa pag-intindi kung ano ang Kakaibabe kasi halos ang buong kanta ay isang mahabang listahan ng mga katangian ng isang Kakaibabe. Makikita ang kabuuan ng lyrics sa link na ito.

Ano ba ang kakaibabe?

Ang salitang “Kakaibabe” ay ang malikhaing pagsasama nang mga salitang “Kakaiba” at “Babae”. Pero sa paanong paraan kakaiba ang Kakaibabe? Silipin natin ang titik ng kanta para maintindihan:

The Origin of (Pop) Species - The Kakaibabe Main Graphic
Figure 1.1
Ano ang pwede nating mahinuha sa teksto
  • KAKAIBA ang KAKAIBABE dahil hindi siya parang mga  “babaeng tipikal” na:
    1. Maarte
    2. Pumupustura
    3. Maporma
    4. Nananakal at namumulis ng selpon
    5. Pahihirapan kang paakyatin ng ligaw
    6. Hindi okay ang isaw pangdate
  • KAKAIBA ang KAKAIBABE dahil mahilig siya sa mga gawaing karaniwang naiisip na panlalake, kagaya ng:
    1. PagdoDotA
    2. Pagbabasketball
    3. Pagrarap
  • Walang sinabi ang kanta ukol sa mga katangian sa pag-iisip ng isang Kakaibabe. Pwedeng sabihin na KAKAIBA ang KAKAIBABE dahil hindi niya kailangan ang lakas ng isip. Posible naman ito lalo na kung napupunta ang oras niya sa paglalaro ng DotA at Basketball.
  • KAKAIBA ang KAKAIBABE dahil siya ay “mahinhin” ngunit “nakakaGV sa galing makisama”

saan ba makakahanap ng kakaibabe?

Pumunta sa Twitter at hanapin ang “#Kakaibabe” at makikita ang dami ng mga kababaihang nagsasabing Kakaibabe sila. Pero sabi nga ng kanta “Hindi siya yung babaeng tipikal”. Kung ganoon, paano mo malalaman na Kakaibabe talaga ang isang babae?

MGA tandaan kung maghahanap ng kakaibabe
  • Kung pagbabasihan ang teksto, may boypren ang Kakaibabe. Lalo na dahil bentang-benta sa mga kalalakihan ang kaniyang kakayahan (nagdoDotA, nagbabasketball), at kaugalian (hindi humihingi ng tawad, ‘di namumulis ng selpon)
  • Mahirap rin mahanap ang isang ligaw na Kakaibabe dahil tahimik lang ito at simple manamit. Makakatulong siguro kung magdala ng Isaw.
  • Huwag maghanap ng Kakaibabe sa silid-aklatan, Wala siyang interes mag-isip. Subukan mo sa Dotahan o sa Covered Court, baka andoon siya pagkatapos sa eskwela.
  • Kung makahanap man ng isang Kakaibabe, mag-ingat kung lalapitan, marunong ito mamektus

PUWEDE BANG MAG-EVOLVE AT MAGING KAKAIBABE ANG ISANG PABEBE GIRL?

Puwedeng mag-evolve ang Pabebe Girl at maging Kakaibabe. Pero wala pang naitatalang ganito. Lalo na halos kabaliktaran ng Pabebe Girl ang Kakaibabe. Ang Pabebe Girl nagpapakyut para makahanap ng atensiyon. Ang Kakaibabe, batay sa teksto, ay mahinhin at simple pumorma. Ibig sabihin hindi naghahanap ng atensiyon ang Kakaibabe, kundi atensiyon ang lumalapit sa isang Kakaibabe. Mas lalo kayo magtaka ngayon sa mga babaeng naghahashtag ng Kakaibabe sa Twitter dahil pwede silang mga Pabebe Girl in Kakaibabe’s clothing lang.

MGA PALATANDAAN PARA MATUKOY KUNG ANG ISANG BABAE AY PABEBE GIRL O KAKAIBABE:
  • Ang Kakaibabe may boypren na kasama. Ang Pabebe Girl, nagmumukmok dahil wala siyang boypren
  • Ang Kakaibabe nagsasabi ng “push sa mid”. Ang Pabebe Girl nagsasabi ng “push mo yan!”
  • Si Jordan sa Kakaibabe, basketball player. Si Jordan sa Pabebe Girl, brand ng sapatos.
  • Ang Kakaibabe pwedeng nagkaroon nang kaso ng Hepa A sa kaka-isaw. Ang Pabebe Girl pwedeng magka-diabetes sa dami ng mamon.

mayroon bang kakaiboy?

Sa ngayon wala pang naitatalang Kakaiboy. Ang pinakamalapit na paglalarawan ay batay sa kantang ito:

Case 2.1: Puro pisikal lang na katangian ang nilarawan kaya hindi maituturing na parang kantang "Kakaibabe"
The Origin of (Pop) Species: The Kakaibabe